Mall – Ang Modernong Plaza
Ang karanasan ng tradisyon at modernisasyon ay
maaaninag sa pagsuri ng espasyo(space).
-- Rolando Tolentino --
Sa panahon natin ngayon, lalong lalo na dito sa Pilipinas,
umusbong agad agad ang kalakaran sa pagtatayo ng mga
mall saan mang panig ng kapuluan. Isa nga ba itong
senyales ng pag-unlad ng ating bansa? Pwede, sapagkat
nagkakaroon ng kapital at puhunan ang mga negosyante
para makatulong sa pagunlad natin. Nakapag-bibigay ito
ng mga trabaho sa manggagawang Pilipino. Pwede rin
itong makatulong sa turismo ng ating bayan. Marami ka
nga namang mabibili sa mall; ano mang produkto mula
sa ating bansa, pati na rin yung mga imported.
Ika nga, kapag napadpad ka sa isang mall, lahat ay
pwede mong gawin; kumain, manood ng sine, mamili,
magsimba, magpagamot, magpalaba, magpagupit,
maglaro, mag-abang, magkwentuhan, etc. Lahat ay
pwede, lahat ay magagawa. Hindi mo na kailangang
pumunta sa malayong lugar dahil matatagpuan na ito
sa mall. Mas papangarapin ko pa ngang tumira dito dahil
sa kaayusan, kaginhawaan, lamig at seguridad kaysa sa
sarili kong bakuran pero hindi ito maaari.
Sa pagpasok natin sa mall, mapapansin natin ang
pagbabago sa ating kapaligiran; pumapasok tayo sa
isang lugar ng hindi permanente at kaiba sa araw-araw
na ating tinatamasa. Mayrong bagong realidad na
ating gagalawan, masaya at kagiliw-giliw;
pansamantala nating nakakalimutan ang mga problema.
Tumutugon tayo sa lahat ng nakikita at pinapansin natin
ang mga detalye ng kapaligiran. Hindi tayo nag-iisip ng
ano mang bagay mula sa labas at nagiging pokus natin
ang paglalakad at pagpapasaya ng ating mga sarili.
Masaya tayo kapag nasa mall, lakad dito, lakad doon;
bili dito, bili doon. Minsan pumupunta tayo sa mall
dahil sa trabaho, minsan naman dahil gusto nating
magpakasaya at gumastos ng ating pinagsikapan,
minsan ay wala lang, gusto nating dumaan dahil sa
lamig at short cut pauwi ng bahay. Marami nga
talagang nagagawa ang mall sa ating buhay, napapadali
nito ang ating pangaraw-araw ng buhay at natutulungan
tayong mamili ng nararapat sa ating kabuhayan.
Maaaninag din ang pagkaka-iba nga mayayaman at
mahihirap. Masyado itong halata, kahit sinong mata ang
lilingon at magmamasid. Kadalasan, ang mayayaman ay
naglalakad, humihinto, at bumibili; taliwas sa mga
mahihirap na naglalakad, humihinto at tumutulala.
Masyadong mabigat amg mga pahiwatig na ito, pero
sadyang kapansin-pansin ang mga bagay ng ganito saan
mang mall ka pumunta. Kadalasan pa nga, nagkukumpulan
ang mga mahihirap sa isang lugar para tumambay, taliwas
sa mayayaman na umaalis agad pagkatapos magamit ang
kanilang espasyo.
Samakatuwid, ang lokasyon ng espasyo sa katawan
ay pagmamarka rin ng negosiasyon ng tao sa
iba’t ibang naturang kaayusan.
-- Rolando Tolentino --
Quotable Quotes.....
Kapag iniwan ka ng mahal mo
At pinagpalit ka sa iba.
Sabihin mo: Mas cute ba sa akin yan?
Siguraduhin mo lang dahil kapag pangit yan,
BAKA SUMABOG KAYO.